©️Expose Philippines—ANG ALAMAT NG AYUDA Kap, akala ko ba limang libo, Bakit naman naging limang Ligo? At bakit si Ano nakatanggap? Tapos itong si Ako'y naghahanap Bakit ba kasi sa binggit nitong krisis Ang mga nasa posisyo'y tila ba nagmamalabis Dapat bang gawing politika itong kinahaharap na pandemya O sadya ngang sila'y papalitan 'pag eleksyo' y dumating na? Marami ang uhaw sa ayuda Mapa-sardinas man yan o pera Lahat naman marahil ay nararapat mabigyan Ngunit bakit itong kontra-partido'y di nabuhusan? Pwes, sa inyo na lang iyang mga tulong Tutal ang kinupit niyo'y baka maipanalo niyo pa sa sabong Balato naman diyan pagkatapos Nang sa gayo'y mga dada ko'y matapos
You don’t write because you want to say something, you write because you have something to say. ~F. Scott Fitzgerald