©️Expose Philippines—ANG ALAMAT NG AYUDA
Kap, akala ko ba limang libo,
Bakit naman naging limang Ligo?
At bakit si Ano nakatanggap?
Tapos itong si Ako'y naghahanap
Bakit ba kasi sa binggit nitong krisis
Ang mga nasa posisyo'y tila ba nagmamalabis
Dapat bang gawing politika itong kinahaharap na pandemya
O sadya ngang sila'y papalitan 'pag eleksyo' y dumating na?
Marami ang uhaw sa ayuda
Mapa-sardinas man yan o pera
Lahat naman marahil ay nararapat mabigyan
Ngunit bakit itong kontra-partido'y di nabuhusan?
Pwes, sa inyo na lang iyang mga tulong
Tutal ang kinupit niyo'y baka maipanalo niyo pa sa sabong
Balato naman diyan pagkatapos
Nang sa gayo'y mga dada ko'y matapos
Comments
Post a Comment