© Make a Meme.org
"Inay, kumukulo na ba?"
"Talagang kumukulo na nga 'nak. Nasa kulo na! Tumataas talaga presyon ko sa kapitbahay nating iyan eh. Paano ba kasi lagi na lang naaaktuhang naninilip".
MEET our siliperang kapitbahay. Panay paninilip na, nagtatapangan pa at pakialemera na din sa buhay.
Ito kasi si Inay eh, bakit pa pinapatulan yang biyudang Rosa na 'yan. Sinasabihan ko na ngang hahayaan na lang, pero ayaw pa rin. Di hamak na maganda naman siya kesa don.
Si Aling Rosa kasing ito panay bantay sa pinaggagawa namin sa bahay. Sinasamantala ba naman ang betsengko hakbang na distansya sa aming bahay. Pa'no ba naman, ni animong pag-utot namin inaabangan. Tapos kapag makarinig ng di maganda, akala niya siya ang tinutukoy—eh siya nga din naman hehe. Kasalanan ba naming marinig niya panlilibak namin sa kaniya. Pano eh hobby na ang paninilip. Pagkatapos, pagmumurahin ka ba naman. Nakakabadtrip.
Naaktuhan ko talaga itong biyuda na 'to eh. Akalain mo sumilip sa bandang lababo ng kusina namin. Akala ko ba naman multo. Orasyon na kasi sa mga sandaling iyon at eksaktong naghahapunan kami. Mabuti na lamang at ako lang ang nakapansin at ipinagpalibang ipabatid kila Inay at Itay. Alam niyo, ako na nga itong namamagitan eh para iwas gulo.
Pero nagtuloy-tuloy talaga ang ganoong gawa ni Aling Rosa. Ni hindi namin mawari kong ano ba talaga ang rason ng kanyang paninilip. Wala naman kaming datung na inilalagak sa bahay para magbalak siyang magnakaw. Hindi naman siya agent para magmanman.
HANGGANG isang araw...
Huli ka balbon! Napasarap yata paninilip ng biyuda. Wala noon si Inay at Itay. Kami lang ni bunso at kuya ang sa bahay. Ang hayupang babae si Kuya pala ang interes. Parang matawa ako na medyo magalit sa mga oras na iyon. Hindi ko lubos malarawan ang naging reaksiyon ko.
Si Kuya kasi sa mga sandaling iyon ay naliligo sa poso namin sa bandang gilid ng bahay. Ako naman ay nahuhugas ng mga plato sa kusina nang mapansin kong si Aling Rosa ay pasimpleng nagtago sa masukal nilang hardin para silipin si kuya habang walang malay na nagsasabon ng maskuladong katawan.
"Ang sagwa naman," saad ko sa sarili ko. "Ngayon alam ko na ang pinakamabigat na rason."
NANG gabing iyon ay baligho kung isinambulat ang buong katotohanan sa buong pamilya. Gulat na gulat at nagsipagtawanan ang lahat. Ito namang si Inay ay panuyang tumugon, " Ah kaya pala ganun umasal ang babaeng iyon eh sabik lang pala sa t*t*".
Dumagdag pa itong si Itay sabay sabing , " Tumahimik kayo, nandyan siya naninilip."
At tumawa na lamang ang lahat. Napuno ang gabi ng kabulastugan.

Comments
Post a Comment