Alam mo bang may bibig ang ating mga boto? Mayroon itong munting tinig na kung mamutawi kasama ng iilang kapwa-tinig ay tila ba sigwang napakalakas na siyang makasisira sa sinumang haharang sa kaniyang daraanan. Batid mo rin bang ang mga boto natin ay isang trumpetang nakabibingi lalo na kung batibot mo itong hihipan dulot ng umaalimpuyong emosyon? Sabi nga, may boses ang ating mga boto. Isa itong abstraktong bagay na sadyang binibigyang tsansang umalingawngaw. Ikaw bata, may boto ka ba? Bakit di mo pagsalitain? ©️UCSC News Sa anuwebe na ng Mayo ang lokal at pambansang halalan. At mistulang nagkukumahog na rin ang iilan para makahabol sa itinakdang huling araw ng rehistrasyon. Paano ba kasi, mahalaga naman talaga ang makapagparehistro at makapagboto— lalo na kaming mga kabataan. Kaugnay nito, ang susunod na mga kataga ay siyang paglalahad ng mga rason kung bakit esensyal ang pagboto naming mga kabataan ngayong darating na eleksyon at sa mga susunod pang halalan. Heto at akin na ngang i...
You don’t write because you want to say something, you write because you have something to say. ~F. Scott Fitzgerald